What the hell? Lezz partey!
Kamusta naman yung itsura ko dito nung grad ball? Ang aga aga pa nyan pero haggard na ako. Peke kasi yung kulot ko. Buti nalang may hairpin sa Aly, hindi naman naging haggard all night. :)
Anyway, ang saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya saya ng Grad Ball ng Brix! I’m so proud, nakabuo ng ganitong klaseng Ball. Amazing! Thumbs up to us especially Jaspher, Carla & Georgia! :)

March 21, 2012
Graduate na ako!
Parang kailan lang nung nagdadrama pa tayo dahil gagraduate na kahit 6 months pa bago mag March. Parang kailan lang nung ineenjoy natin yung natitirang buwan at araw natin na magkakasama habang nagka-countdown, hindi dahil sa excited pero sinusulit na ang nalalabing oras namin sa highschool. Alam ko, magkikita kita parin naman kami ngayong bakasyon at sa mga susunod na bakasyon. Pero, sobrang mag-iiba na ang lahat. Hindi ko na sila makakasama araw-araw. Mamimiss ko nang sobra yung mga tawanan, kulitan, asaran, kiligan, landian, lahat na! HAHAHA. Sana solid parin tayo kahit na magkakaiba na tayo ng landas na tinatahak kasi ayokong masira ang one of a kind na samahang to. Di ko to makakalimutan! Di ko kayo malilimutan! I love you to infinity and beyond!
Hindi man ako ang valedictorian, thankful parin ako. HAHAHAHA, umaasa? Charot. Matutulog akong nakangiti at paniguradong gigising ng late. HOHOHO, goodnight! =)
Tengene, I cound’t imagine this… DID I REALLY POSTED THIS?!! OMG. O______________O
I’m hardheaded, I know and I’m sorry. I’ve been hurting you every time I’m badly behaved. I admit, oftentimes I don’t think of how you will feel about things I do because at the back of my mind it always says “Don’t worry, he‘ll forgive you after all.” And I’m sorry about the way I think about you. I’ll never know when your patience will reach its limit. But still, I thank you for controlling your temper every time I did something wrong and thank you for the scolding and preaching ‘cos I know, It’s all for my sake. Mehehe~
Matutulog na sana ako pero ayoko pa. Nawala ako sa mood matulog. Haha, kaya nagdownload ako ng tumblr dito sa fone ko para masaya. Sana hindi japeyk pag naipost to. :)
Walang kaba kaba. Goodnight. :)
It’s been months that I haven’t updated my blog. So here I go again ‘cause there’s no more worries about school matters and in a few weeks, graduation na! Hell yeah! \m/
Drama Queen mode: on
Nalalabi na ang oras ko sa highschool. Ang bilis ng oras! Parang kailan lang, umiiyak ako kasi iniwan ako ni Mama sa school, tapos ngayon, iiyak na naman ako kasi sa Manila(kahit hindi parin sure!) na ako mag-aaral para sa pagco-college ko. Natatakot ako. Kasi, ako nalang mag-isa. Wala sila Mama at kapatid ko, lalo na, wala yung mga kaibigan ko na all this time eh kasama ko. Nakakalungkot kasi hindi na sila yung makakasama ko sa chapter na to. Kaya sana, kahit gaano man kahirap maghanap ng gaya nila, kasi iba talaga sila sa lahat, srsly, sana may mahanap parin ako para masaya ang buhay kasi hindi ako sanay na hindi sila yung kasama ko, kasali kasi sila sa bumuo ng pagkatao ko. Ughhh, ayoko na nga, kacorny pero teary eyed ako habang tinatype ko to kaya tama na! Hahaha.
Advanced hello college life! And hello tumblr! I’m back! :) Buhay pa ba followers ko?
Araw-araw nalang ako nagsosorry sa’yo. Malamang nauubos na yung pasensya mo sakin. Malamang, pwedeng magsawa ka na sa kapapatawad sa mga nagagawa ko. Ang kulit ko kasi, pasaway. So stubborn. Kaya nga natatakot na ko na mangyari yun, kaso hindi ko mabago yung sarili ko. Lalo atang nag-iiba yung attitude ko imbis na mag-improve, naging worse pa ata. Sorry, haay heto na naman ko. Kelan kaya ako titigil sa kakahingi ng sorry sa’yo? :|
